-- Advertisements --

Bumisita ang pinakamataas na opisyal ng Philippine Navy sa mga tropa at mga pasilidad ng militar sa Pag-asa island.

Ito ay kasabay ng ginagawang mga pagsisikap para gawing isang tourist destination ang naturang isla sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Dumating si PH Navy chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa naturang isla kasama si Commodore Alan Javier, ang commander ng Naval Forces West gayundin ang iba pang senior Navy officials at kinatawan ng iba’t ibang sektor para ipakita ang soberaniya ng ating bansa sa contested area at kahandaan para i-welcome ang lahat kabilang na ang mga turista.

Sinabi din ni Commodore Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) na ang pagbisita ng matataas na opisyal ng PH Navy ay para masuri ang kalagayan ng tropa doon at inspeksiyunin ang mga pasilidad.

Binigyang diin pa ni Trinidad na bagamat nakatuon ang atensiyon ng publiko sa Ayungin shoal kung nasaan ang BRP Sierra Madre na nagsisilbing stationary outpost para sa AFP, pinapanatili din aniya ng PH ang outpost nito sa iba pang isla.

Samantala, nangako naman si Vice Admiral Carlos, chief ng Wescom ng hindi natitinag na commitment at suporta para sa estratehikong direksiyon ng PH Navy lalo na sa pagpapalakas at pagpapahusay pa ng kapasidad para sa esternal defense security operations.