Handang magbigay ng kanilang assistance ang Philippine Navy para sa iasasagawang ikatalong misyon ng Atin Ito Coalition sa West Philippine Sea (WPS) sa Mayo para sa mas secure na pagsasagawa ng mission.
Ayon kay Philippine Navy Spox. for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, handa ang kanilang hanay na suportahan at magbigay ng assistance sa mga ikakasang operasyon gaya nito lalo na kung kinakailangan para sa dagdag seguridad.
Aniya, mas mainam din sana kung magiging kasabay ng mga patrol plans ng PH Navy ang magiging araw ng isasagawang misyon ng kowalisyon para maging in synce ang mga plano para rito.
Ang magiging misyon ay bahagi rin ng planong ipagkaisa ang mga mangingisda, mga advocates sa loob o lbs ng bansa at ang matinding panawagan para sa kapayapan at solidarity sa mga katubigan ng WPS.
Samantala, pagtitiyak ni Trinidad sa publiko, nanatili namang tapat at pinanghahawakan ng PH Navy ang kanilang mandato na pagkaingat at siguruhin ang integridad ng national territory ng bansa.