Sinariwa ng Philippine Navy ang mga makasaysayang misyon na napagdaanan na ng BRP Miguel Malvar bago ito gamitin bilang target sa maritime strike para sa patuloy na ginanaganap na Balikatan Exercises.
Ayon kay Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, maraming kasaysayan sa likod ng World War II warship na ito na hindi pa alam ng publiko.
Aniya, nakapagproduce ng higit sa 20 flag officers ang warship na ito kung saan kabilang na dito ang ilang commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).
Paliwanag pa ni Alcos, ang paggamit sa BRP Miguel Malvar bilang siyang target sa isang maritime strike sa Balikatan Exercises ay isang simbolismo.
Aniya, sumisimbilo sa isang panibagong pahina at simula para sa PH Navy ang paggamit sa naturang barko para sa Balikatan.
Ito aniya ang bagong simula ng mas moderno at mas maaasahang hanay ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas.
Samantala, matatandaan naman na ang BRP Miguel Malvar ay isa sa huling World War II- era warship at siyang na-decommission noong taong 2021.
Ito naman ay papalitan ng FFG-06 bilang bagong BRP Miguel Malvar na siyang mas moderno at mas pinalakas para sa mga bubunuin nitong paglalakbay kasama ang hanay.