-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine Navy na may na-monitor silang 2 Chinese fishing boat sa East coast sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon kay Ph Navy spokesperson for the WPS Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, natanggap nila ang report kahapon, Oct. 28, 2024.
Ani Trinidad, may layo itong 20 nautical miles sa East coast ng bansa.
Binigyang diin ng Ph Navy na normal lang ang presensya ng mga fishing boats at hindi ito nakakaalarma dahil mayroon din naman silang na mo-monitor mula sa ASEAN countries at wala naman nakikitang fishing activities mula sa mga ito.
Ayon pa kay Trinidad, hindi nila binibigyan masyado ng atensyon kapag fishing vessels, at ikinokonsidera lang nila ito bilang maritime traffic.