-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Navy (PH Navy) na magpapatuloy lamang ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng kanilang patrolya sa katubigan na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) bansa sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay PH Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sa kabila ng mga isyu na kinasasangkutang espionage umano ng tatlong Pilipino sa China, tiniyak ni Trinidad na hindi ito makakaapekto sa pagtupad ng kanilang mandato.

Aniya, magpapatuloy lamang ng kanilang hanay na magobserba at panatilihin ang seguridad ng bansa laban sa mga iligal na presensiya ng mga Chinese Coast Guard vessels at maging ng ilang People’s Liberation Army (PLA) Navy Ships sa katubigan ng WPS.

Samantala, nauna na dito ay nakita ng National Security Council (NSC) na maaaring isang paghihiganti o ‘retaliation’ ang naging pagaresto sa tatlong Pilipino.

Ani NSC Assistant Director-General at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga alegasyon ng pageespiya ng tatlong pinoy ay maaaring isang hakbang ng China laban sa mga nagging pagaresto ng mga otoridad ng Pilipinas sa mga Chinese Spies.

Aniya, walang mga criminal records, mga law-abiding citizens at dumaan sa tamang proseso at screening ang mga ito pagdating pa lamang ng mga naturang ndibidwal sa China.

Sa ngayon ay patuloy na naka-close monitor ang mga ahensya ng Pilipinas sa sitwasyon ng tatlong Pinoy.