Lumagda na ng kasunduan ang Philippine Navy at ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport para sa pagtatayo ng naval support facility at air detachment sa loob ng lupa at karagatang pinamamahalaan ng APECO sa lalawigan ng Aurora.
Sina Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo at APECO president Israel Maducdoc ang lumagda sa Memorandum of Agreement sa Navy headquarters sa Naval Station Jose Andrada sa Maynila.
Ayon kay Naval public affairs office chief Lt. Cmdr. Maria Christina Roxas, ang gagawing kampo ng pagtatayuan ng paliparan at iba pang pasilidad ng mga puwersa ng hukbong dagat ay may lawak na 12,000 ektarya.
Matapos ang pirmahan, isusumite ang MOA kay Defense Secretary Delfin Lorenzana para ito ay maaprubahan.
Sinabi naman ni Bacordo na dahil sa naturang pasilidad, may sapat nang istasyon ang Navy upang bantayan ang pangkaragatang interes ng bansa na nakaharap sa Philippine Sea.
Maisasagawa na aniya ng kanilang hanay ang pagpapatupad ng tungkuling ipagtanggol ang soberenya at teritoryo ng bansa kontra sa mga may banta rito na maaaring manggaling sa loob o labas ng bansa.
“This Memorandum of Agreement achieves two significant meanings. First, it highlights the value of convergent interests. This cooperation between the military and another government agency, based on converging interests, leads to a fruitful partnership. Second, this MOA showcases the Navy’s, as well as the AFP’s efforts to improve its approaches in the performance of its mandate to protect the people and the State. And we are very grateful to APECO for being a partner in this endeavor,” saad ni Bacordo.