Nakatakdang tumanggap ang Philippine Navy (PN) ng dalawang bagong missile corvette mula 2025 hanggang 2026.
Sinabi ni PN vice commander Rear Adm. Caesar Bernard Valencia, ang nasabing dalawang bagong padating na corvette ay magmumula sa South Korea.
Aniya, ang mga bagong corvette na ito ay inaasahang mag-backstop sa dalawang Jose Rizal-class missile frigates – ang BRP Jose Rizal at ang BRP Antonio Luna na nasa serbisyo.
Ang tinutukoy niya ay ang corvette acquisition program ng Department of National Defense (DND), na pormal na iginawad sa South Korean shipbuilder na Hyundai Heavy Industries (HHI) noong Disyembre 28, 2021.
Ang mga corvette na ito ay nagkakahalaga ng P28 billion at dinisenyo upang makapagsagawa ng mga anti-ship, anti-submarine at anti-air warfare mission.
Sinabi ni Valencia na mula 2026 hanggang 2028, magsisimula rin ang Ph Navy na tumanggap ng anim na bagong offshore patrol vessels (OPVs) na nagkakahalaga ng P30 bilyon.
Isiniwalat ng opisyal na mayroon pang anim na nakatakdang dumating na bagong offshore patrol vessel para sa Ph Navy na makakatulong upang mapalakas ang seguridad sa maritime industry ng Pilipinas.