Mariing kinondena ng Philippine Navy ang ginawang labag sa batas at delikadong maneuver ng China Coast Guard laban sa barko ng Philippine Coast Guard.
Kinumpirma ni Philippine Navy Spokesman for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na mahigpit nilang minonitor ang insidente kung saan binangga ng China Coast Guard ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño, kaninang madaling araw sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Trinidad, kanilang ipagpatuloy ang pakikipag ugnayan sa PCG upang matiyak ang safety and security ng ating maritime domain.
Sinabi ni Trinidad ang nasabing aksiyon ng China Coast Guard ay nalagay sa peligro ang buhay ng mga PCG personnel at labag din sa international maritime laws, partikular ang Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGs) at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Inihayag ni Trinidad na ang Philippine Navy at PCG ay nanatiling committed sa pag sustene sa presensiya sa West Philippines Sea ng sa gayon protektahan ang soberenya ng bansa.