-- Advertisements --

May kabuuan ng anim na Acero-class gunboats ang Philippine Navy na nasa serbisyo.

Ito ay matapos ang ginawang upgrade sa isa sa barko ng PH Navy na BRP Nestor Acero na mayroon na ngayong battle net system mula sa Israel.

Sinuri ang ginawang upgrade sa pamamagitan ng isang comprehesive sea trial malapit sa Manila Bay at Cavite City kasama ang 5 iba pang Acero class patrol gunboats noon July 4.

Kabilang sa mga sinuri ay ang connectivity at communication range ng upgraded na battle net system na nakasentro sa voice, chat at video feed relay subalit hindi na idinetalye pa ang ibang systems upgrade para sa security reasons.

Matagumpay ang ginawang upgrade sa PH Navy craft kung saan ang resulta ay lagpas pa sa baseline specifications.