Matagumpay na ngsagawa ng Joint 3rd Quarter Naval Gun Test Firing and Capability Demo ang mga tauhan ng Philippine Navy sa bahagi ng Dasalan Island, Basilan.
Dito ay ginamit ang mga barkong pag-aari ng Philippine Navy na nasa ilalim ng Naval Task Force-61 ng Naval Forces Western Mindanao kabilang na ang iba’t-ibang mga floating assets tulad ng BRP General Mariano Alvarez, BRP Nestor Acero, BRP Domingo Deluana, BRP Florencio Iñigo, at 1st Boat Attack Division’s na BA485 at BA487.
Gamit ang naturang mga sasakyang pandagat ay ipinamalas ng mga tauhan ng PH Navy ang live gunnery exercises, swarming tactics at coordinated maneuvers, na layuning ma-evaluate ang performance ng naval weaponsy at ang overall operational capabilities ng nasabing mga barko.
Samantala, ayon sa PH Navy, layunin din ng pagsasanay na ito na alamin at tiyakin ang operability, accuracy, at effective operation ng lahat ng kanilang mga naval combat systems, kabilang na ang skills ng gun crew at fire control operators board ng mga sasakyang pandagat ng naturang hukbo.