Nanindigan ang Philippine Navy na hindi nila ino-otorisa ang kanilang tropa na gumamit ng pwersa o dahas para sa tagumpay ng kanilang misyon maliban na lamang kung para sa pagdepensa sa kanilang sarili.
Ito ang inihayag ni PH Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad kasunod ng barbaric o marahas na mga aksiyon ng pwersa ng China Coast Guard laban sa mga tauhan ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin shoal na nagresulta ng pinsala sa mga inflatable boat, kagamitan at mga tauhan ng Philippine Navy at ninawak pa ang mga abril ng tropa ng PH.
Saad pa ni Comm. Trinidad na sa kabila ng inasal ng mga tinawag nitong barbarian na CCG personnel, hindi aniya unang magpapaputok ng bala ang hukbong pandagat ng ating bansa laban sa CCG.
Ipinaliwanag pa nito na matinding pagsisikap ang kanilang ginagawa para hindi humantong sa puntong ang panig ng PH ang siyang unang magpaputok ng baril laban sa CCG.
Bagamat ayaw mag-speculate ng opisyal kaugnay sa naturang usapin, kanila aniyang sinasabihan ang tropa ng bansa na huwag hayaang humantong ito sa ganoong sitwasyon.
Sinabi din ni Comm. Trinidad na tinawag nitong band of barbarians ang CCg personnel dahil una sa lahat walang karapatan ang mga ito na magsuot ng uniporme dahil nalagay sa peligro ang buhay ng PH Navy gayong responsibilidad ng mga ito na siguruhin ang kaligtasan sa karagatan.
Ginawa ng PH Navy official ang pahayga matapos na gitgitan at sampahan ng mga personnel ng CCG na armado ng bolo ang PH boats na kanilang pinagsisira, ninakawan pa ng baril at nagdulot ng pinsala sa 8 tauhan ng PH Navy kabilang na ang isang naputulan ng daliri.
Sinabi naman ng China parikular na ni spokesperson Gan Yu na ang kanilang naging hakbang ay bilang control measures umano, bagay na matindi namang kinondena ng mga opisyal ng PH at mga kaalyadong bansa ng PH