-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine Navy nitong na hindi maikokonsidera ang Escoda o Sabina Shoal bilang isang “bagong flashpoint” o pagmumulan ng tensiyon o guli sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng kamakilang banggaan ng mga barko ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang karagatan.

Ayon kay Philippine Navy spokesperon for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang iligal, mapilit, agresibo, at mapanlinlang na mga aksyon ng People’s Liberation Army Navy (PLAN), Coast Guard (CCG), at maritime militia vessels ay ang dahilan ng lahat ng dynamics sa WPS.

Aniya, ang mga banggaan sa pagitan ng Philippine Coast Guard at CCG vessels malapit sa Escoda Shoal noong Lunes ang unang nangyari sa naturang karagatan.

Sinabi din ni RAdm. Trinidad na ang mga aksyon ng China ay mas mababa sa threshold at hindi hahantong sa isang salungatan dahil gusto aniya ng China na manalo nang hindi nagpapaputok ng baril upang matiyak ang kanilang malawakang pag-angkin sa disputed waters.