-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Navy (PN) na palalawakin nila ang kanilang kooperasyon sa Italian Navy para sa isang anti-submarine warfare (ASW) training bilang marami pa umanong mga kapasidad ang mga naval personnel na kailangan ng mas matinding exposure para sa mas pagpapatibay ng mga kapasidad na ito.

Ayon kay PN Spokesperson Capt. John Percie Alcos, kailangan pa na lalong ma-develop ang kakaynan ng kanilang mga personnel lalo na sa kanilang ASW capabilities.

Nakita naman ng PN na isa ang bansang Italy sa may pinakamaayos at magagaling na navies sa buong mundo kaya kinumpirma ni Alcos na nagpapatuloy ang kanilang ugnayan sa mga Italian counterparts para maging mas mahusay din ang Pilipinas sa kanilang naval capacities.

Matatandaan naman na nagkaroon na ng pagpupulong ang mga opisyal ng Italian navy kasama ang mga opisyal ng bansa sa Navy headquarters noong Marso 17.

Samantala, tampok naman sa naging pagpupulong ang pagpapaigting ng kanilang commitment sa pagpapaigting ng defense cooperation partikular na sa shipbuilding, modernization, mga joint exercises at strategic dialogues.