-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Philippine Navy si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na isa ding Marine reservist sa naging pahayag nito na naghihimok sa militar na iatras ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito, inatasan na ng Navy ang 9th Marine Brigade na magsagawa ng imbestigasyon at hilingin kay Alvarez na ipaliwanag ang kaniyang naging pahayag.

Ang resulta aniya ng imbestigasyon ang magiging basehan ng gagawing akaiyon ng Navy.

Si Alvarez ay kasalukuyang may ranggong colonel sa PH Marine Corpas.

Samantala, bilang suport sa Armed Forces of the Philippines, binigyang diin din ng PH Navy ang hindi natitinag na katapatan at commitment nito sa Konstituayon, sa Chain of Command at sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas bilang Commander-in-chief ng Armed Forces.

Tiniyak din ng PH Navy na patuloy na gagampanan ng kanilang Sailors at marines ang kanilang respknsibilidad ng may integridad, walang kinikilingan, may buong dedikasyon at susunod sa legal na direktiba mula sa chain of Command.