Nilansag at kinumpiska umano ng Philippine Navy ang mga lambat sa pangingisda ng mga Chinese fishermen na inilagay sa loob mismo ng bisinidad ng Ayungin shoal sa West Philippine Sea.
Ayon ulat mula sa isang state publication ng China, paulit-ulit umanong sinira ng personnel ng BRP Sierra Madre ang lambat ng mangingisdang Chinese noong Mayo 15.
Kung saan mahigit 2000 metro umano ng lambat ng China ang sinira habang mahigit 100 meyro ng fiahing nets ang kinumpiska ng PH.
Ayon naman sa Manila-based think tank International Development and Security Cooperation official, palaglng sinusubukan ng vmchina na baliktarin ang kwento para sa kanilang interes af isang probokasyon ang paglalagay nito.
Ang psych ops na ito ay malinaw na ginawa para makuha ang simpatiya ng international community at pahinain ang malakas na salaysay at paglaban ng Pilipinas.
Ang pinakahuling paratang na ito ay bahagi ng serye ng mga akusasyon ng China laban sa mga tauhan ng BRP Sierra Madre.