Nagsagawa ng “shadowing” ang Philippine Navy vessel sa dalawang barkong pandigma ng China matapos mamataan na dumaan ito sa teritoryo ng Pilipinas sa Basilan Straight na bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief, Col. Xerxes Trinidad, dahil dito agad na dineploy ng NavForWem ang BRP Domingo Deluana (PG905) upang imonitor ang pagdaan ng dalawang PLA Navy vessels.
Sinabi ni Trinidad na nagbigay ng isang standard challenge ang Philippine Navy Vessel sa Chinese war ships.
Isa sa dalawang barko ang Qi Jiquang (BN83) ang rumisponde at sinabing nagsasagawa lamang sila ng normal navigation mula sa kanilang huling port of call sa Dili, Timor Leste at sila ay patungo na sa Dalian, China.
Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nuong June 6, 2024, na monitor ng Naval Forces Western Mindanao ang presensiya ng dalawang PLA Navy vessels isang training ship at amphibious transport dock ang dumaan sa Basilan Straight.
Siniguro naman ng AFP na mananatili silang mapagbantay sa lahat ng aktibidad sa loob ng maritime zone ng bansa at nangakong ipagpatuloy ang kaligtasan at seguridad sa karagatan na sakop ng Pilipinas.
Kanila din ipagpatuloy ang pag uphold sa international maritime laws habang binabantayan ang territorial integrity ng bansa.