Walang namataan na anumang indikasyon ang Philippine Navy na ipinapatupad ng China ang kanilang inanunsyo ng unilateral fishing moratorium sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commo. Roy Vincent sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw sa Fort Bonifacio sa bahagi ng Taguig City.
Aniya, ang ganitong mga polisiya ng China ay tanging mga naratibo, at deception ng naturang bansa hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.
Ang mga pronouncement na ito aniya ng China dati pa nila inilabas noong taong 2021 kung kailan nila inanunsyo ang implementasyon umano ng apat na buwan na fishing ban.
Punto ni Commo. Trinidad, mula noon ay wala pa ni isang Pilipinong mangingisda o sinumang claimant countries tulad ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia ang inaresto ng China.
Kung maalala, una nang iginiit ng Department of Foreign Affairs na hindi kailanman kikilalanin ng Iliinas ang fishing moratorium ng China sa West Philippine Sea mula Mayo 1 hanggang Setyembre 16, 2024.
Kasabay ng panawagan sa nasabing bansa na itigil na ang ganitong uri ng mga iligal na aktibidad na lumalabag sa soberanya, hurisdiksyon, at sovereign rights ng Pilipinas sa sariling Maritime zones ng ating bansa.