-- Advertisements --

FF4

Bumibiyahe na patungong Pilipinas ang kauna-unahang brandnew missile capable frigate ng Philippine Navy na nakatakdang darating sa May 23, 2020 sa Subic Anchorage Area sa Zambales.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Navy spokesperson Lt Commander Maria Christina Roxas, aniya sa pagdating ng frigate ang BRP Jose Rizal (FF150) sa Zambales sasailalim muna sa 14 days quarantine ang mga crew bago maisagawa ang technical inspection sa barko at susunod na ang gagawing low-key acceptance ceremony.

Sinabi ni Roxas umalis sa shipyard ng Hyundae Heavy Industies (HHI) sa Ulsan, South Korea ang barkong BRP Jose Rizal kahapon May 18.

Isang sail-off ceremony ang isinagawa bago ito umalis.

Nag-donate naman ang HHI at ang Hanwha Systems ng COVID-19 relief supplies sa PN na tinanggap ni Defense and Armed Forces Attaché to Republic of Korea, Capt. Armil Angeles.

Ayon kay Roxas kasamang bumiyahe ng mga Philippine Navy crew ang ilang Koreans na crew ng HHI.

FF3 1


“This will be an additional asset on us at the same time ito yung pinaka modern na barko, so lahat ng capability na dating kulang natin, this time magkakaroon na tayo with the FF150, mero siyang multi-mission capable frigate siya so has the capability anti-air warfare, anti-surface warfare, anti-submarine warfare at saka yung electronic warfare operation natin. Itong barko na ito magiging modern ship ito ng Philippine Navy,” pahayag ni Lt Comdr. Roxas.

Samantala ang brand new frigate ng navy ay equipped ng mga missiles, torpedoes, at iba pang weapon systems.

Ang FF150 ay may haba na 107-meters at may maximum speed na 25 knots, cruising speed na 15 knots at kayang makatagal ng 30 araw sa dagat.

FF5

Inihayag ni Roxas na ang una sa dalawang frigates na kinontrata sa HHI ay dapat sana ide-deliver noong huling linggo ng buwan ng Abril pero ini-extend ito dahil sa travel restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.

Inaasahan naman na ang ikalawang brand new frigate na papangalanan na BRP Antonio Luna (FF151) ay nakatakdang ihatid sa huling buwan ng kasalukuyang taon.

Ang pagdating ng bagong frigate ay malaking tulong sa misyon ng Philippine Navy lalo na sa pagpapatrulya sa teritoryo ng bansa.

Sinasabing ang dalawang brand new frigates ay nagkakahalaga ng P18 billion.

“Hindi pa nata-transfer kasi yung barko sa atin so ang nagmamaneho (sila) mga Koreans, magkakaroon muna ng TIAC which is supposed to be the last phase na gawin ng FF150 together with TIAC doon sa Korea but nagkaroon ng Covid na supposed to be doon gagawin sa Korea dito na lang sa Pilipinas gawin since dinala na ‘yung barko dito,” paliwanag pa ni Roxas.