Inaasahang mag-aangkat ng mas marami pang bigas ang Pilipinas sa mga susunod na taon kayat nananatili pa rin itong numero uno sa pag-aangkat ng bigas sa buong mundo bunsod na rin ng epekto ng El Niño, La Niña, at nagdaang mga bagyo sa local production.
Base sa latest report mula sa US Department of Agriculture (USDA), tinatayang papalo sa 4.7 million metric tons (MT) ang rice imports ng bansa ngayong 2024. Ito ay 2.2% na mas mataas mula sa naunang pagtaya na 4.6 million MT bunsod ng malakas na demand ng bigas mula sa bansang Vietnam.
Pagsapit naman ng 2025, inaasahang tataas pa ang rice imports ng bansa sa 4.9 million MT dahil sa mas kaunting ani ng mga lokal na magsasaka.
Ang panibagong pagtaya ng USDA ay alinsunod sa mas mataas na forecast para sa pandaigdigang rice imports ngayong taon, na iniuugnay sa pagtaas ng demand ng bigas mula Malaysia at Nepal.