-- Advertisements --
image 550

Kampante si Philippine Olympic Committe President Abraham Tolentino na maaabot o kung hindi man ay malalagpasan pa ang naging accomplilshment nito noong 2028 Asian games.

Sa naturang Asian Games kasi ay nagawa ng Philippine team na makapag-uwi ng apat na gintong medalya.

Ngayong 19th Edition ng Asiad, umaasa si Tolentino na magagawa ng Phil Team na maungusan ito sa pamamagitan ng mga magagaling na atleta na bahagi ng Phil. Team.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. ERNEST JOHN OBIENA – Athletics
2. KAYLA NOELLE SANCHEZ – Swimming
3. HIDILYN DIAZ – Weightlifting
4. EUMIR FELIX MARCIAL – Boxing
5. CARLO PAALAM – Boxing
6. NESTHY PETECIO – Boxing

Ang mga naturang players, ay inaasahan ng POC management na mag-uuwi ng mga gintong medalya, kasunod na rin ng maganda nilang performance sa mga nakalipas na taon.