-- Advertisements --

Inihayag ng isang maritime law expert na isang pangunahing pag-aalala ang paggamit ng puwersa na labag sa batas laban sa mga tropa ng pamahalaan at sa sasakyang-pandagat nito, na malinaw na isang paglabag sa mga prinsipyo ng charter ng United Nations at International laws.

Ayon kay Atty. Jay Batongbacal ng UP College of Law-Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China, nakahanda ang gobyerno na makipagtulungan sa China para resolbahin ang nasabing hidwaan, gaya ng sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang insidente ay hindi itataas sa isang mas mataas na international body.

Samantala, inihayag ni Atty. Jay Batongbaal na ang Pilipinas ay palaging maghahanap ng mapayapang, diplomatikong solusyon hinggil sa isyu sa pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Batongbacal na ang Pilipinas ay mayruong mandato sa ilalim ng ating Konstitusyon na talikuran ang digmaan bilang isang paraan sa pambansang patakaran at ang unang paraan ay palaging maghanap ng mapayapang diplomatikong solusyon.

Ipinunto pa ni Batongbacal na hindi madali para sa Pilipinas na kaagad mag react na lalong magpapalala sa sitwasyon.

Ayon pa sa maritime law expert, dapat kalma lang at pag-isipan ang susunod na hakbang para isulong ang mapayapang interest at maiwasan ang anumang matinding hindi pagkakaunawaan.

Inihayag naman ni Batongbacal na ang insidente kamakailan sa Ayungin Shoal ay hindi maituturing na isang pagkilos ng digmaan.

“Meron, sa international law, may rules and jurisprudence sa isyung ito particular sa International Humanitarian Law at sa mga batas ng armed conflict. At sa mga alituntunin o batas na iyon, ang mga insidente tulad ng skirmish, isolated skirmish ‘no, geographically-isolated skirmish ay maaaring ituring na kung ano ang legal na maaaring ma-classify bilang ‘frontier incidents’,” paliwanag ni Batongbacal.

Dagdag pa ni Batongbacal, “Ang mga ito ay hindi pa sapat upang ituring bilang isang armadong pag-atake na ginagarantiyahan ang pakikipag-ugnayan sa pagtatanggol sa sarili o ang karapatan ng pagtatanggol sa sarili at kolektibong pagtatanggol sa sarili, sa ilalim din ng UN charter. At ang intensyon dito ay bigyan din ng puwang para sa diplomatikong pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga estado na may mga labanan.”