Pang-lima ang Pilipinas sa may pinakamataas na naitalang data breach sa buong Asya simula noong 2004 base sa Global Data Breach statistics ng isang cybersecurity firm na Surfshark na inilabas ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 20.
Habang pang-17 naman ang Pilipinas sa buong mundo.
Sa buong Asya, 52 accounts ang nabreach sa bawat 100 katao subalit sa Pilipinas mas mataas ang bilang na nasa 106 accounts ang nabreach sa bawat 100 katao.
Ayon pa sa naturang cybersecurity frim, nasa kabuuang 124 million accounts ang napasok sa bansa kung saan ikalawa ito sa pinakamataas sa southeast Asia kasunod ng Indonesia na nasa 144 million. Apektado aniya sa data breach ang isang average Filipino.
Ayon pa sa cybersecurity provider, 70 million passwords ang naleak kasama ang Filipino accounts. Bunsod nito, maaari aniyang magresulta ito sa identity theft, extortion o iba pang cybercrimes.