-- Advertisements --
Ikinalungkot ng Philippine Paralympics ang tuluyang pagkansela ng hosting ng bansa ng 10th ASEAN Para Games.
Ayon kay Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo na bagamat masakit sa kalooban nila ang pagkansela ay nararapat lamang ang desisyong ito ng Philippine Sports Commission para na rin sa kaligtasan ng mga manlalaro.
Nakatakdang pakipagpulong naman si Barredo sa ASEAN Para Sports Federation para pag-usapan ang kasalukuyang kalagayan at ang kahinatnatan ng Asean Para Games.
Magugunitang kinansela ng PSC ang maraming mga sports tournament dahil sa coronavirus pandemic.