Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa nakaraaang 126 na taon at magpa hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang Pilipinas upang ipaglaban nito ang kanyang kalayaan.
Ayon sa pangulo sa ibat- ibang aspeto ng ating pagka-Pilipino maiuugnay ang kalayaan at ang nakahihigit aniya dito sabi ng presidente ay ang patungkol sa teritoryo at soberenya.
Sa aspetong ito, sabi ng presidente ay walang kapaguran ang magiging pagbabantay ng bansa.
Kaugnay nitoy sinabi ng Pangulong Marcos na magpapatuloy ang kanyang pakikipag- pulong sa iba’t- ibang mga bansa para sa kailangang tulong sa gitna ng pagsusulong ng ating kapakanan at karapatan.
Paghikayat naman ng punong ehekutibo sa lahat, gisingin pa ang diwa sa pagka-Pilipino, buhayin ang nasyonalismo at iwagayway ang bandilang Pilipino.