-- Advertisements --

Lumakas pa sa ikaapat na araw ang halaga ng piso kontra dolyar.

Ayon sa mga analysts, ito na ang three year high para sa pagganda pa ng kalagayan ng peso.

Ang pagsasara ngayon ng piso ay ang pinakamalakas na huling nangyari noon pang November 2016.

Sinabi ng ilang ekonomista, ang merkado raw ay nakaabang sa Amerika dahil sa mahalagang pagpupulong na gagawin ngayong linggo ng Federal Reserves na posibleng makaapekto sa dolyar.

Batay naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nasa P48.52 ang pagsasara ng peso laban sa isang dolyar sa trading partikular na sa presyo ng isang dolyar.