-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang mga legal na hakbang upang ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kasabay ng patuloy na pagpasok ng mga barkong Chinese sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, may ilang opsyon na tinatalakay kasama ang Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA), ngunit hindi pa maaaring isapubliko ang detalye.

Sa kabila ng 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration na pumabor sa Pilipinas, patuloy ang agresibong aktibidad ng China sa WPS.

Bukod sa legal na aksyon, pinapalakas din ng gobyerno ang diplomasya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa upang tiyakin ang pagpapatupad ng pandaigdigang batas sa karagatan.