Pinag-aaralan ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsasampa ng panibagong arbrital case laban sa China, kasunod ng insidente sa Escoda o Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS) kung saan intensiyonal na binangga ng China Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard ang BRP Teresa Magbanua.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, lahat ng mga posibleng opsiyon ay kanilang kinukunsidera para tugunan ang tumataas na tensiyon sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ni Manalo, na sa mga darating na araw o linggo magkakaroon na sila ng malinaw na larawan kung saan patungo ang nasabing isyu.
“Well, we’re contemplating, at the moment, possible approaches to this issue. And I think siguro in the coming days or weeks, we’ll probably have a better picture of where we’re headed for this. But certainly, it doesn’t help the situation,” pahayag ni Sec. Manalo
Sa kabilang dako, gumagawa na rin ngayon ng mga kaukulang diskarte ang gobyerno ng Pilipinas para maiparating sa China ang reklamo kaugnay sa nangyaring insidente sa Escoda o Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Manalo na nais din ng Pilipinas ipaabot sa Beijing ang tumitinding tensiyon lalo na ang ginawang inosenteng paggalaw ng barko ng Pilipinas
Gayunpaman sinabi ng kalihim gaya pa rin ng dati, inaakusahan pa in ng China ang Pilipinas ng iligal na mga paggalaw gayong malinaw na ang China ang lumalabag sa international maritime laws.
“ Well, we have made the necessary approaches to China in terms of contacting them through various means to express our complaint and displeasure at what happened. And not only that, our concern about raising tensions over what was basically just innocent movement by Philippines vessel,” wika ni Sec. Manalo.