Daragdagan ng 912 na mga pampublikong charging stations ang Pilipinas, ayon sa Department of Energy (DOE), na karamihan ay nasa Metro Manila.
Sinabi ng DOE na para mapabilis ang pagpapalaganap ng electric vehicles (EVs), bubuo ng mga bagong regulasyon at magsasagawa ng mga public consultation ang ahensya para matiyak na ligtas, epektibo, at sustainable ang mga idaragdag na charging network.
Ilalabas ang mga guidelines para sa EV charging station providers ngayong Abril, at magkakaroon ng konsultasyon sa ikalawang quarter para sa taong 2025.
Target ng bansa na magkaroon ng higit sa 7,000 EV charging stations pagsapit ng 2028.
‘Our goal of deploying over 7,000 EV charging stations by 2028 is ambitious but achievable. By combining infrastructure development with public engagement, we can accelerate the transition to EVs and build a cleaner, more sustainable transportation sector, pahayag ni Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino.