-- Advertisements --

Nagpasalamat ang Pilipinas sa Group of 7 ministers sa suporta ng mga ito sa pagtutol sa walang basehan at malawak na claims ng China sa West Philippine Sea.

Sa isang statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs nitong linggo, sinabi ng ahensiya na malugod nitong tinatanggap ang paggigiit ng G7 ng kanilang kolektibong commitment sa rule of law at sa rules-based maritime order sa ilalim ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kinilala rin ng PH ang muling pagpapatibay ng G7 na ang 2016 Arbitral ward ay isang mahalagang milestone at isang makabuluhang basehan para sa mapayapang pamamahala at resolusyon ng pagkakaisa sa disputed sea.

Sinabi rin ng DFA na nananatiling committed ang PH sa UNCLOs at sa 2016 Arbitral Award, paggalang para sa international law partikular para sa pagkilala sa maritime entitlements ng coastal states sa disputed water at sa kalayaan sa paglayag na tinatamasa ng international community na mahalaga sa pagsiguro sa kaunlaran, kapayapaan at stability sa buong mundo.

Nakahanda rin aniya ang Pilipinas na makipagtulungan sa G7 sa pagsisikap nito na suportahan ang economic growth sa bansa at Indo-Pacific.