-- Advertisements --
Ernest John EJ Obiena
Ernest Obiena / FB image

BACOLOD CITY – Natupad na ang pangarap ni pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena na ma-qualify sa 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan matapos masungkit ang kauna-unahang gold medal para sa mga Pinoy sa athletics meet sa Chiara, Italy.

Nakuha ni Obiena ang 5.81 meters kung saan nahigitan niya ang sariling record bilang reigning Asian champion sa record 5.76 meters noong nakaraang taon sa 2019 Summer Universiade na ginanap din sa Italy.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Obiena, masaya siyang nalampasan niya ang Olympic standard na 5.80 meters.

Hindi rin umano naging madali ang journey niya bilang atleta ng pole vault pero kanya lang ini-enjoy at patuloy ang kanyang laban.

Sa ngayon, pagtutuunan muna nang pansin ng Pinoy pole vaulter ang World Athletics Championships na gaganapin naman sa Doha, Qatar mula September 27 to October 6, 2019.