-- Advertisements --

Naniniwala si Trade Secretary Ramon Lopez na ang pagkakaroon ng private sector-led research center sa bansa ay makakatulong para maging aritificial intelligence (AI) powehouse ang Pilipinas.

Ayon sa kalihim, ang National Center for AI Research (N-CAIR) ay itatayo sa ilalim ng national AI roadmap upang gabayan ang Pilipinas sa pagiging AI center of execellence.

Batay aniya sa estimate mula sa mga research firms na EDBI at Kearney, inaasahan na makakatulong ang AI para pataasin pa ang gross domestic product (GDP) ng Southeast Asia ng hanggang $1 trillion (P47 trillion) sa taong 2030.

Para sa Pilipinas, tinatayang aabot ng 12 percent ang itataas ng GDP ng bansa, katumbas ito ng $92 billion o P4 trillion.

Ang nasabing AI research facility ay magsisilbing responsable sa advance scientific discoveries ng artificial intelligence. Mahalaga rin ang magiging papel nito sa paghubog ng AI talent at date science leaders sa Pilipinas.

Sa pamamagitan din ng N-CAIR, ang mga government agencies, industries, at iba pang reseach centers sa bansa ay maaaring mag-avail ng AI consultancy services.

Dagdag pa ni Lopez na dahil sa nasabing proyekto ay mahihikayat ang marami pang kumpanya na magtayo ng kani-kanilang gusali sa bansa upang gumawa ng mga bagong produkto, processes, at serbisyo na gumagamit ng AI.

“The potential AI applications that can benefit companies include avoiding spoilage of agricultural produce, predicting maintenance of equipment, optimizing processes in factories, and enhancing business decision-making through advanced analytics,” ayon sa kalihim.

Tutulungan din nito ang micro, small, and medium enterprises na interesado sa data science, analytics, at AI tools para pagandahin pa ang kanilang efficiency at productivity.

“For Philippine businesses and industries, AI technologies can reduce operational costs, increase efficiency, grow revenue, and improve customer experience. By deploying the right AI technology, businesses can save time and money by automating and optimizing routine processes and tasks. These are just a few of the advantages that our businesses and industries can derive from AI,” wika pa ni Lopez.