-- Advertisements --

Tinataya na ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon ay lalakas pa hanggang sa 2026.

Batay sa latest World Economic Situation and Prospects report ng United Nations (UN), kanilang inaasahan na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay aangat pa ng 6.1 percent sa taong ito at aabot naman sa 6.2 percent pagsapit ng 2026.

Tinawag ni UN Department of Economic and Social Affairs Economic Affairs Officer Zhenqian Huang ang Pilipinas bilang isa sa “strongest growth performer” sa mga bansa sa bahagi ng East Asian economies.

Aniya, malaking tulong sa pamamayagpag ng ekonomiya ng bansa ay ang malakas na domestic demand, puspusang public investments at ang positibong epekto ng mga investment policy reforms at paglakas din ng services sector.

Dahil dito sa projections ng UN ngayong taon ang Pilipinas ay babandera bilang second-fastest growing economy sa rehiyon kasunod ng Vietnam (6.5%), mas angat pa sa Cambodia (6%), Malaysia (4.6%), Thailand (3.1%), at Singapore (2.6%).