-- Advertisements --
Susundin ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang inilabas na kautusan ng Vatican kaugnay sa pamamahagi ng abo sa Ash Wednesday ngayong taon.
Una rito, dahil sa pandemya ay iniutos ng Vatican na imbis na ipapahid ay ibubudbod na lamang ang abo sa ulo ng mga mananampalataya.
Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, noon pa raw nakalipas na taon ay ginagawa na rin ito sa mga simbahan.
Hinihintay na lamang daw nila ang direktiba ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay rito.
“Last year, priests (had) a choice. We are waiting for CBCP instructions still,” wika ni Pabillo.
Ang Ash Wednesday, na papatak sa Pebrero 17, ay ang hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw para sa mga Katoliko.