Pinangunahan ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Richard Gordon ang relief operations sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyong “Carina.”
Iniulat ng Red Cross Operations Center na ang pinakamalaking humanitarian organization sa bansa ay nakapagbigay ng pagkain sa 4,137 indibidwal.
Nagkaloob din ng child-friendly spaces sa 1,342 menor de edad; at nagbigay ng hygiene kits sa 2,428 tao; at nagbigay ng 30,000 litro ng tubig.
Ipinakalat ng PRC ang grupo ng volunteers sa buong bansa at ini-activate ang mga kagamitan, kabilang na ang mga food truck, water tanker, 6 by 6 multi-purpose response truck, ambulansya, Volunteer Emergency Response Vehicle (VERV), at mga relief truck.
Ang Operations Center ay bukas 24/7 upang subaybayan ang bagyo at lawak ng epekto nito.
Pinaalalahanan naman ni Red Cross Secretary-General Dr. Gwen Pang ang publiko na maaaring tumawag sa kanilang 24/7 hotline 143 sa oras ng emergency.
Dagdag pa ni Gordon na patuloy na imo-monitor ng Red Cross ang sitwasyon sa pamamagitan ng dalawang milyong volunteers at 102 na sangay sa buong bansa.