Muling namahagi ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektado ng Mayon volcano sa lalawigan ng Albay.
Kasabay ito ng pagmarka ng ika-112 araw nila sa naturang probinsya.
Ayon kay PRC Chairman Dick Gordon, prioridad nila ang humanitarian aid para sa mga nawalan kabuhayan dahil sa paglikas mula sa extended danger zone area ng mga lugar na nasa may paanan ng bulkan.
Sa record ng PRC, nakapamahagi na sila ng 2.7 million litro ng malinis na tubig, hygiene kits para sa 1,210 families, sleeping kits sa 2,436 families, jerry cans sa 3,436 families at mga tinapay para sa 900 families.
Ang humanitarian organization ay naglagay din ng apat na units ng communal kitchens at nakapagsilbi sa 612 families.
Nagbigay din sila ng 81,352 hot meals; nagkaloob ng psychosocial first aid sa 1,521 individuals.
Habang naglaan ng child-friendly space para sa 4,016 individuals.
Umabot naman sa 2,469 volunteers ang na-mobilized ng PRC sa kabuuang ng period mula noong Hunyo 8, 2023.