Naglatag na ang Philippine Red Cross ng mga hakbang para sa paghahanda sa gaganaping Traslacion 2024.
Iniulat ng PRC na mahigit sa 1,000 na volunteers at emergency services vehicles upang magbigay ng tulong medikal sa mga kalahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Lungsod ng Maynila sa Enero 9.
Ayon kay Richard Gordon chairman at CEO ng PRC, na mahigit sa 1,000 sa mga first aider nito, mga tauhan ng emergency response unit at mga emergency medical team ang ipapakalat para sa Traslacion.
Ayon kay Gordon na maging mapagmatiyag sa gaganaping taunang tradisyon dahil sa inaasahang dami ng tao nito na maging pa sanhi ng stampedes at o di kaya’t aksidente.
Inaasahan kasing aabot sa dalawang milyon na mga deboto ang makikilahok.
Inabisuhan naman tanggapan ang mga buntis, bata at mga matatanda na makilahok nalang online para maiwasan ang mga major medical issues tulad ng cardiac arrest o childbirth.
Nagpaalala ang PRC sa mga debotong lalahok na bisitahin ang kanilang website na www.redcross.org.ph para sa karagdagang paalala.