-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga kwalipikadong pasyente na gumaling na sa COVID-19 na mag-donate ng blood plasma upang makatulong sa paggaling ng mga kasalukuyang coronavirus patients.

Ayon kay Dr. Monina Nalupta, pinuno ng PRC national blood services, sa kasalukuyan ay umabot na sa 614 ang mga pasyenteng nabigyan na nila ng convalescent plasma.

Paglalahad pa ni Nalupta, ilang mga pribadong kompanya at ahensya na raw ang nakipag-ugnayan sa kanila para sa blood donation.

Gumagamit ng convalescent plasma therapy ang mga medical experts sa Philippine General Hospital, St. Luke’s Medical Center, at sa Lung Center of the Philippines upang tulungan ang mga pasyeng nagpositibo sa COVID-19.

Una nang sinabi ni Health Secretary Fracisco Duque III na patuloy pang pinag-aaralan ang convalescent plasma therapy bilang posibleng treatment sa coronavirus.