Hindi pa kasama sa benefit package ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang saliva COVID-19 test.
Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC Molecular Laboratories, ito raw ang dahilan kaya out of pocket o galing sa bulsa na binabayaran ng mga tine-test ang karamihan sa mga kinokolektang sample.
Pagtitiyak naman ni Ubial na magiging mas malawakan na ang testing kung makasama na ito sa PhilHealth benefit package.
Kasalukuyan na rin aniyang sinasanay ang kanilang mga chapters kung papaano mangolekta ng saliva samples at nagsasanay na rin ng molecular staff sa buong Pilipinas.
Sinabi pa ni Ubial, convenient ang saliva test dahil hindi ito mahirap gawin at ligtas din sa saliva specimen collector kahit hindi na magsuot ng personal protective equipment (PPEs).
Tanging facemask, faceshield at gloves lamang daw ang isusuot lamang ng kukuha ng saliva specimen.
Importante rin aniya na hindi masakit sa bulsa ang saliva test na 50% na mas mababa sa conventional swab test kung saan aabot lamang sa P2,000 ang halaga nito.