DAGUPAN CITY – Tila maganda ang hinaharap para sa Philippine robotics ngayon matapos na umani muli ng pagkilala sa ibang bansa.
Mula sa nasungkit na double victory sa For Inspiration and Recognition of Science and Technology (FIRST) Lego League (FLL) World Championship na isinagawa sa Estados Unidos noong April 2019, isa namang gintong medalya ang nasungkit ng Philippine Robotics National Team sa isinagawang FLL European Open International Turkey 2019 na ginanap sa Izmir, Turkey.
Ang national delegation, ay inerepresenta ng Kid Imagineers mula sa Dr. Yanga’s College Inc., at nag-wagi ng Gold Award for Project Presentation and Finalist on Project Research.
Pinangunahan nila ang nasa 82 teams mula sa 41 banasa at higit 600 kapwa estudyante sa edad na 11 hanggang 17-anyos na nakibahagi sa kompetisyon.
May temang “Into Orbit,†ang hamon sa mga estudyante na naglalayong hanapan ng solusyon ang mga physical and social problems may kaugnayan sa long-duration space flight.
Nanalo ang team para sa kanilang Project Mu.S.C.A., na inilarawang isang innovative, effective at systemized na paraan upang matulungan ang mga astronauts sa kanilang kinakaharap na musculoskeletal problems sa kanilang pamamalagi sa orbit.
Ang Kid Imagineers mula sa Dr. Yanga’s College Inc., ay kinabibilangan ng team members na sina Gwyneth Sabusap, Aaron James Amar, Andrea Luz Guevarra, Daniella De Guzman, Annette Nicole Ambi, Nicole Flores, Shervie Dela Cruz, Gabriel Ortega, Michael Ronnie Estrella, Renz Daren Flaviano, kasama ang kanilang Assistant Coach RV Mendoza at Coach Romyr Gimeno.
Nabatid na napili si FELTA Multi-Media Inc. President/CEO Mylene Abiva, upang magsilbing judge kasama ang 40 iba at ang natatangi ding nagrepresenta sa Southeast Asia.
Agad namang nagpa-abot ng pagbati si Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) Director Dr. Josette Biyo, at pinasalamatan ang grupo at ang national organizers para sa kanilang ibinigay na effort upang matulungan ang mga batang Pinoy upang malinang ang kanilang potensyal sa larangan ng robotics.
“The Philippine Robotics National Team made the country proud and opened doors for future robotics experts. Robotics will play a crucial role in the country’s transition to Industrial Revolution 4.0. These victories will help us gain traction to push for more youth science programs that would prepare the youth for jobs of the future,†saad ni Biyo.