Hindi maitago ng Philippine men’s national rugby union team ang kanilang kasabikan na maglaro sa harap ng mga kababayan sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.
Ayon sa Philippine Volcanoes, na kakaiba ang magiging dating ng audience dahil dito sa bansa gaganapin ang nasabing torneo.
Nasa pang 42 ang world ranking ng Philippine Volcanoes at gold medalist ng 2015 SEA Games.
Sinabi ni Philippine Rugby Football Union Inc. General Manager Jake Letts, na huling naglaro ang koponan sa bansa ay noong SEA Games 2005.
Bilang bahagi ng paghahanda ay lumahok na sila ng 2019 Asia Rugby Sevens Series nitong Setyembre.
Nakatakda rin silang sumabak sa regional qualification ng Tokyo Olymics sa Kore sa buwan ng Nobyembre.
Gaganapin ang SEA Games mula November 30 hanggang December 11 na ang rugby ay gaganapin sa Parade Grounds sa Clark, Pampanga mula December 5-9.
Ilan sa itinuturing nilang matinding kalaban ay ang Malaysia, Thailand at Singapore.