-- Advertisements --
COP26 DOF Carlos Dominguez

Umeksena rin ang Pilipinas sa nagpapatuloy na Conference Of Parties (COP26) sa Glasgow, Scotland sa pamamagitan ng pagtatalumpati ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Sa kanyang speech, nanawagan si Dominguez sa mga bansa na wakasan na ang debatehan tungkol sa climate change at bagkus ay simulan na ang pagpapatupad ng mga kongkretong aksyon para maisakatuparan na ang kanilang mga pangako at obligasyon na iligtas ang buong planeta mula sa maaaring maging sakuna sa kalikasan.

Aniya, dapat na pagbayarin ng grants, investments, at subsidies na kinakailangan upang maka-adapt sa climate change ang mga kabilang sa most vulnerable countries.

Nanawagan din ito sa mga bansang nagpo-pollute at patuloy na sumisira sa kalikasan sa pamamagitan ng kanilang isinagawang mga industrialization sa nagdaan na 200 taon.

“I called for an end to the debate on climate change, and for nations to start implementing concrete actions to fulfill their respective commitments & obligations to humanity to save the planet from an environmental catastrophe,” bahagi ng statement ni Dominguez sa social media. “We need to ensure that countries that have polluted & continue to pollute the environment through unthinking industrialization starting 200 years ago must pay for the grants, investments, & subsidies needed for the most vulnerable countries to adapt to climate change.”

Bilang hakbang sa pagpapalakas sa climate change interventions sa Pilipinas, ibinahagi ni Sec. Dominguez na nagtalaga na ang Climate Change Commission ng mga scientist at medical and disaster risk reduction practioners na nagmula pa sa buong Pilipinas.

COP26 CLIMATE CHANGE RALLY

Dito ay ipinakilala ng kalihim ang mga bagong miyembro ng National Panel of Technical Experts (NPTE) ng CCC na binubuo ng mga eksperto mula sa Metro Manila, Laguna, Quezon Province, Catanduanes, Leyte, Cebu, Iloilo, Davao, Zamboanga, Tawi-tawi at Agusan del Sur.

Ang mga new panel of experts ay tutulong daw sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong isasagawa upang tuluyang makamit ng bansa ang pangakong pag-aalis ng halos 75% ng greenhouse gas sa mga susunod na dekada. (with reports from Bombo Marlene Padiernos)