-- Advertisements --

Mangilan-ngilan na lamang na mga adjustments ang inaayos ng Philippine practical shooting team dalawang buwan bago ang kanilang kampanya sa sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Sinabi ni assistant coach Nonie Alvarez sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi nito na nasa 90% na raw silang handa para sa kanilang pagsabak sa event nila sa regional meet.

Inamin naman ni Alvarez na may ilang mga problema silang hinaharap, gaya ng unavailability ng kanilang practice venue sa kampo ng Marines sa lungsod ng Taguig.

Sasailalim daw kasi sa renovation ang firing range, rason kaya napilitan silang maghanap ng ibang lugar na puwede nilang mapagpraktisan.

Hindi pa rin daw nila natatanggap nang buo ang hiningi nilang suporta na ammunitions o bala mula sa Philippine Sports Commission, na kanilang gagamitin sa kanilang ensayo.

Umaasa naman si Alvarez na bibilisan na ng PSC ang kanilang procurement procedures dahil kapos na umano sa panahon.

Una nang sinabi ni PSC chair William Ramirez na ginagawa nila ang lahat upang mapabilis ang pagbili ng mga equipment na gagamitin ng mga national sports associations bilang kanilang preparasyon sa SEA Games.