-- Advertisements --

Sinisikap ng Pilipinas na bumuo ng isang defense cooperation agreement sa New Zealand na katulad ng Visiting Forces Agreement ng bansa sa Estados Unidos.

Nakipagpulong si Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. kay New Zealand Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs Right Honorable Winston Raymond Peters nong nakaraang linggo upang talakayin ang kasunduan at ang iba pang bagay. 

Sinabi ng ahensya na ito ang unang pagkakataon na bumisita ang isang mataas na opisyal mula sa New Zealand.

Nagpahayag naman si Teodoro ng pasasalamat sa matibay na suporta ng New Zealand sa Pilipinas. 

Gayunpaman, sinabi ng DND, nilagdaan ang kasunduan 

 noong Hunyo 10 sa pamamagitan ng ad referendum, ni Assistant Secretary for Strategic Assessments and International Affairs Marita Yoro at Commodore Maxine Lawes, Commander Logistics ng New Zealand Defense Force.