Lumagda ng anim na memorandum of understanding (MOU) ang Pilipinas at South Korea sa ginanap na bilateral meeting sa pagitan nina Pang. Ferdinand Marcos Jr at South Korean President Yoon Suk Yeol.
Sa joint statement, inisa isa ni pangulong marcos ang mga kasunduang ito, kabilang ang mou sa pagitan ng Philippine coast guard at Korean coast guard na naglalayong palakasin ang unawaan, mutual trust at kumpiyansa ng dalawang bansa sa isat isa, at para itaguyod, panatilihin at para sa proteksyon ng kapwa maritime interest at maritime safety ng dalawang bansa.
Nilagdaan din ang isang MOU para sa economic innovation partnerhip program para sa framework of cooperation sa advancement ng national at urban development sa Pilipinas.
Mayroon ding kasunduan para sa supply chains o strategic cooperation on critical raw material supply chain.
Nagkasundo rin ang Pilipinas at South Korea na ituloy ang feasibility study o pag aaral sa rehabilitasyon ng Bataan nuclear power plant, para sa layuning makadagdag ito sa energy security ng bansa.
May naisara ring kasunduan para palakasin ang pagpapatupad ng Samar-Coastal road 2 project, Laguna lakeshore network project at Panay-Guimaras bridges project sa pamamagitan ng loan agreement.
Mayroon ding kasunduan para sa pagtataguyod ng bilateral cooperation sa larangan ng turismo mula 2024 hanggang 2029.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayruong 62 kasunduan sa Republic of Korea para sa ibat ibang larangan kabilang ang trade, education, energy, defense, information, transportation, mutual legal assistance, extradition, labor, social security, tourism at iba pa.