Nasaksihan mismo ni Philippine special envoy to China Teodoro Locsin Jr. ang mapanganib na maniobra ng Chinese vessels sa mga barko ng Philippine Coast Guard matapos sumama ito sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa may Ayungin shoal noong Miyerkules.
Lulan ng BRP Cabra ang special envoy na namataang nagoobserba at kumukuha ng mga larawan ngc Chinese coast guard at maritime militia vessels na humaharang sa mga barko ng Pilipinas patungo sa warship ng PH na nakaangkla sa Ayungin shoal.
Tumanggi naman si Locsin na ibahagi ang kaniyang naging obserbasyon.
Ito naman ang unang pagkakataon na sumama ang isang senior diplomat ng PH sa supply mission sa military outpost ng PH sa Ayungin shoal.
Una rito, sinabi ng PCG na naging matagumpay ang kanilang pinakabagong resupply mission para sa mga tropa ng bansa na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre subalit hindi pa rin naiwasang makaengkwentro ng panghaharass at pagharang ng mga barko ng Tsina na nagkumpulan sa lugar.
Matatandaan na itinalaga ni PBBM si Locsin noong Agosto 16, bilang spacial envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns. Ito ay 10 araw matapos na bombahan ng tubig o water cannon ng Chinese Coast Guard ang isang Filipino supply boats habang nasa resupply miss