Nagbigay pugay ngayon ang mga sports leaders at legends sa Pilipinas bilang alay sa mga atletang sasabak sa Tokyo 2020 Olympics.
Isinagawa ang send off sa pamamagitan ng virtual lalo na at karamihan sa 19 na mga atleta ay nasa Japan na.
Kabilang sa mga bumati ay ang bowling legend na si Bong Co ang sports Hall of Famer na si Paeng Nepomuceno, nagpaabot din naman ng good luck wish ang dating athletics queen na si Elma Muros, ang dating swimming darling noon na si Akiko Thompson-Guevarra na siyang presidente ng PH Olympic Association, Asia’s first chess Grandmaster Eugene Torre, PSC Chairman William Ramirez, at iba pa.
Sinasabing ang 19 na mga atleta ngayon ng Pilipinas ang siyang pinakahanda sa pakikihamok sa magagaling na kalaban sa buong mundo.