-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Mas pinalakas pa ni SEA Games double gold medalist at tinaguriang Philippine sprint queen Kristina Knott ang kanyang kampanya para sa Tokyo Olympic spot.
Ito ay matapos muli nitong masungkit ang ikalawang pwesto sa kakatapos lamang na pure athletics spring invitational sa clermont, florida kung saan nagtapos ito sa 11.36 seconds na record.
Sa panayam ng Star FM Dagupan kay Knott, ibinahagi nito na parte ng kanyang kampanya para sa Olympics ang pagsali sa iba’t ibang kompetisyon sa Estados Unidos.
Tiwala rin ito na malapit na niyang makamit ang kanyang target record upang mag-qualify sa nalalait na Toky Olympics.