-- Advertisements --
Nakahanda na ang Philippine Squash Academy para sa hosting ng dalawang international event.
Sinabi ni squash chief Robert Bachmann, na unang magaganap ang Philippine Satellite na gaganapin mula Oktubre 22 hanggang 25.
Susundan agad ito ng Philippine Challenger Classicmula Oktubre 27 hanggang 31 na ang mga ito ay isasagawa sa PSA Academy sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.
Makakatulong ang nasabing torneo para umangat ang mga rankings ng kanilang mga atleta.
Isa rin itong preparasyon ng koponan para sa 2025 SEA Games sa Bangkok at 2026 Asian Games sa Nagoya ganun din ang qualifiers sa 2028 Los Angeles Olympics.