-- Advertisements --
Nagsara ngayon na mahina ang stock market ng Pilipinas habang “naka-wait and see attitude” ang mga investors sa gagawing mga anunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Liban nito humatak din sa pagkalugi ng Philippines shares ay ang patuloy na pangamba sa COVID-19.
Ang tinatawag na benchmark sa PSEi ay nalugi ng 72.05 points o 1.17% na katumbas ng 6,064.26 sa closing bell.
Habang ang all shares ay nawalan ng 30.63 points o kaya 0.85% o kaya nasa 2,569.09.
Ayon sa isang market analyst nakaapekto rin naman sa merkado ang last minute profit taking na humatak pabulusok sa local market.