-- Advertisements --

Umakyat ng 71.48 points ang Philippine Stock Exchange Index (PSEi) o nasa 1.19% matapos i-anunsyo ni U.S. President Donald Trump ang pansamantalang pagbaba at pagkaantala ng taripa o buwis sa inaangkat na produkto.

Dahil dito tumaas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan dahil sa inaasahang pagbaba ng policy rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na sinabayan ng bargain hunting.

Gayunman, bahagyang nabura ang ilang kita sa huling bahagi ng trading dahil sa profit-taking at pangamba sa patuloy na tensyon sa kalakalan sa pagitan ng US at China.

Ipinunto ng mga eksperto na ang mas mababang 10% na US import tariff ay makatutulong upang mabawasan ang inflation sa Amerika at may limitadong epekto sa GDP ng Pilipinas, dahil hindi gaanong nakadepende ang bansa sa pag-exports.